P.5-M troso nasamsam
TUGUEGARAO CITY, Philippines- Kalaboso ang barangay chairman matapos makumpiskahan ng P.5 milyong halaga ng banned hardwood species na molave at mahogany lumber sa Barangay Cabangtalan sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Arsenio Ramos ang suspek na ni Chairman Arnulfo Ineda na ikinatwiran nito na gagamitin ang mga hot lumber sa pagpapagawa ng kanilang barangay hall. Nasa kustodiya ng pulisya ang chairman samantalang ang mga nasamsam na kahoy ay nasa kustodiya naman ng Community Environment and Natural Resources Office.
- Latest