6 Minero huli sa illegal mining
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Matapos na isang trahedya ng mailibing ang aabot sa 12-katao ng gumuho ang tunnel, isang grupo naman ng mga small scale miner ang nagtangkang magsagawa ng illegal na pagmimina ang hinuli ng mga miyembro ng Paracale Police sa Purok Maligaya, Brgy. Palanas, Paracale, Camarines Norte.
Nakilala ang mga inaresto na sina Erick Espinida 22, Henry Nidea, 34; Henry Ferrer, 52, Eddie Loia, 45; Ruel Nidea, 22 at Rocky Panganiban, 32, pawang mga minero at mga residente ng naturang lugar.
Ayon kay PO3 Ruben Abejero Jr. na ang hinuling mga suspek ay nagsasagawa ng illegal na operasyon dakong alas 9:00 ng umaga sa lugar.
Hindi na magawang makatakas pa ang mga suspek matapos na ang mga ito ay masakote at akto na nahuling nagsasagawa ng explorasyon at pagmimina sa naturang barangay.
Napag-alaman na ang illegal na operasyon ay pinamumunuan ng isang kinilalang Victor Dinem na siyang tumatayong financier ng grupo. Ed Casulla/ Francis Elevado
- Latest