75-anyos na lola pinalakol

MANILA, Philippines - Halos nagkaputul-putol ang katawan ng 75-anyos na lola matapos na pagsasaksakin ay pinalakol pa ng sinasabing ex-convict nitong pinsan sa Barangay Cambigong sa bayan ang Samboan, Cebu kamakalawa. Kinilala ang napaslang na si Quirina Lisondra, nagtamo ng malalim na sugat sa dibdib, mukha, ulo at iba pang bahagi ng katawan. Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Panfilo Cabales, 58, na sumuko sa pulisya kinabukasan. Sa ulat ng police regional office 7, naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng matanda bandang alas-4 ng madaling-araw kung saan mahimbing na natutulog ang matanda nang pasukin ng suspek. Hindi pa nakuntento ay pinagpapalakol pa ng suspek ang matanda. Mistulang nakarma naman ang suspek matapos na maparalisa ang kalahating katawan nito bunga ng insidente kung saan ay sumuko ito sa himpilan ng pulisya kahapon at inamin ang krimen.

Show comments