Killer ng coed tinukoy na adik

MANILA, Philippines - Isang notoryus na drug addict ang itinuturong killer ng 19-anyos na estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) na natagpuang patay matapos na pagnakawan sa loob ng bahay sa Biñan City, Laguna kamakalawa. Sinabi ni P/Supt. Leonardo Luna, hepe ng Biñan City PNP  na natukoy na ang suspek na si Benigno “Jay AR” Nayle Jr alyas Jay AR, 19, binata, jobless, ng Brgy. San Vicente.

Bandang alas -12 ng tanghali nitong Lunes ng madiskubre ng kaniyang ama ang bangkay ng biktimang si Maria Victoria Reyes , 19, 3rd year Agriculture student sa UPLB.

Ang biktima na sinasabing nanlaban sa suspek ay nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib kung saan natagpuang nakahandusay sa loob ng kanilang tahanan sa Ferlins Subd. sa nasabing barangay.

Nadiskubre namang nawawala ang cellphone, laptop, camera, hindi pa madeterminang halaga ng salapi at mga personal na kagamitan.

Wala namang indikas­yon na ginahasa ng suspek ang biktima kung saan robbery ang pangunahing motibo ng krimen.

Nabatid na ang suspek ay labas-masok sa piitan dahil sa mga kasong robbery with frustrated homicide , robbery/holdup at iba pa.

Show comments