P.7-M ari-arian naabo

MANILA, Philippines - Umaabot sa P.7 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang siyam na bahay sa Cebu City, Cebu kahapon ng umaga. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nagsimula ang sunog bandang alas-7:50 ng umaga mula sa dalawang palapag ng bahay ni Danny Borres sa F. Rallos Street, Barangay Suba. Naapula ang apoy ganap na alas-11:07 ng umaga matapos masunog ang siyam na kabahayan kung saan nasugatan ang isang 28-anyos na babae habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments