Lolo pisak sa forklift

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Napisak ang 57-anyos na mekaniko matapos daganan ng toneladang bakal ng forklift lever habang tinatangka niyang ayusin sa bodega sa Barangay Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/ Supt. Vicente Valdez ang biktima na si Teotimo Tamayo ng Barangay Minante 2 sa nasabing lungsod. Nabatid na pinapakumpuni ng may-ari na si Henry Pua ang forklift na sinasabing hindi umaangat ang lever. Habang inaayos ng biktimang ang forklift na sinasabing tinangkang iangat nito subalit bumigay ang clamp bago bumagsak. Kinailangan pang iangat ng hydraulic extricator ng City Rescue 922 ang bakal ng forklift na dumagan sa biktima na sinasabing durog ang ulo at katawan.

Show comments