5 PAGs arestado

MANILA, Philippines - Limang armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga Private Armed Groups (PAGs) ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa operasyon sa Brgy. Canhumawid, Gandara, Samar kamakalawa. Ayon kay Captain Gene Orense, spokesman ng Army’s 8th Infantry Division, kasalukuyang iniimbestigahan ang mga suspek kaya pansamantalang hindi muna tinukoy ang mga pangalan. Bandang alas-8 ng umaga nang masakote ng Army’s 43rd Infantry Battalion at pulisya ang mga armadong suspek sa Barangay Canhumawid sa bayan ng Gandara, Samar. Nasamsam sa mga suspek ang apat na cal. 45 pistol na may mga bala, granada, eksplosibo at mga backpacks.

 

Show comments