Insurance Broker Itinumba

CAVITE, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa 36-anyos na insurance broker matapos pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Dasmariñas City, Cavite kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Dasma­riñas PNP ang biktimang si Royland Torres ng Barangay Salitran sa nasabing lungsod. Sa inisyal na ulat, nagtungo ang biktima sa may Golden City Subd. para makipagkita sa kanyang kausap. Gayon pa man, pagsapit sa nasabing lugar, isang lalaki ang lumapit at pinagbabaril ang biktima. Tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo patungong Aguinaldo Highway habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments