2 suspek sa rape, tiklo

BULACAN, Philippines  – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang kalalakihan matapos arestuhin ng pulisya sa kasong rape laban sa may kapansanang babae sa loob ng abandonadong bahay sa gilid ng ilog sa Barangay Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Marcelo Sarmiento, 18, ng Brgy. San Vicente at isang 16-anyos na binatilyo. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, hinikayat ng mga suspek ang biktima na lumabas ng bahay bago dinala at pinilahan sa nasabing lugar. Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspek kung saan ipinaabot naman ng biktima ang naganap na rape sa kanyang mga magulang.

Show comments