CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 62-anyos na ama matapos pagtatagain ng kanyang anak sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Bibingcahan, Sorsogon City, Sorsogon. Halos magkagutay-gutay ang katawan ng biktimang si Pepito Dy Sr., 62 , habang nakakulong naman ang suspek na si Pepito Dy Jr., 27, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Nabatid na nakahiga ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto nang pasukin at pagtagain ng suspek na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip. Sa follow-up operation ng pulisya ay naaresto naman ang suspek.