2 putol na paa natagpuan

NUEVA ECIJA, Philippines – Nagimbal ang mga residente sa dalawang barangay matapos matagpuan ang dalawang putol na paa ng tao kamakalawa ng umaga sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Ayon kay P/Supt. Eli Depra, hepe ng Cabanatuan City PNP, unang natagpuan ang putol na kaliwang paa ng tao na nakabalot sa plastic bag kung saan dinala ng mga opsiyal ng barangay sa himpilan ng pulisya. Kasunod nito, natagpuan naman ng motorista ang kanang putol na paa ng tao bandang alas-6 ng umaga sa harap ng bahay ni German Bernardo sa Emilio Vergara Highway sa Purok 9,  Barangay San Juan Accfa. Patuloy naman isinasailalim  sa pagsusuri ng crime laboratory ang dalawang putol na paa para matukoy ang pagkakakilanlan.

 

Show comments