Mister tinodas ng bayaw

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang 45-anyos na mister mtapos itong saksakin ng kanyang bayaw sa inuman sa Barangay Abucay, Pilar sa Sorsogon kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Raul Lozada habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Charles Miraflor, 37, kapwa magsasaka at nakatira sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na nakipag-inuman ang suspek sa grupo ng biktima subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nairita ito sa inasal ng kanyang bayaw na humatong sa pananaksak.

 

Show comments