Estudyante hindi naka-enrol nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 20-anyos na first year college student ang nagbigti matapos na pagsabihan ng kaniyang mga magulang na hindi muna ito ipapa-enrol sa susunod na semestre dahilan sa kapos ang kanilang pamilya sa pera sa Barangay Malvar, Santiago City kahapon.

Kinilala ni Sr. Supt. Se­verino Abad ang biktima na si Jay-ar Cabrera, residente ng nasabing barangay.

Ang biktima ay natagpuan ng kaniyang tiyuhin na si Joseph Cabrera na  nakabigti ng lubid sa isang puno ng mangga sa tabi ng kanilang tahanan.

Bago ang insidente ay palagi umanong tulala ang biktima at tila may malalim na iniisip.

Nabatid na ikinalungkot ng biktima na hihinto na siya sa pag-aral

Wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa kasong ito.

Show comments