^

Probinsiya

Kuya ginilitan ng bunso

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY , Philippines – Binigla ni kamatayan ang 25-anyos na kuyang magsasaka matapos itong gilitan at saksakin ng bunsong utol na lalaki na kanyang ginising sa gulpi kamakalawa ng u­maga sa kanilang tahanan sa liblib na bahagi ng Barangay Cordon sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ritchell Mayo habang isinuko naman ng ti­yuhin sa Muncipal Social Welfare and Development Office ang 13-anyos na suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon na umuwing lango sa alak ang biktima kung saan natiyempuhan natutulog ang kanyang kapatid na lalaki.

Ayon sa ulat, bigla na lamang ginulpi ng biktima ang kapatid na naalimpungatan sa pagkakatulog.

Nagawang agawin ng binatilyo ang kutsilyo sa kuya at ginilitan ito saka pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakbo ang batang suspek sa kanyang tiyuhin na duguan ang kamay at pilit inisip na masamang pa­naginip lamang ang kanyang nagawa.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CORDON

BINIGLA

KASIBU

KINILALA

LUMALABAS

MUNCIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

NAGAWANG

NUEVA VIZCAYA

RITCHELL MAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with