Driver inutas sa ambulansya
CAVITE, Philippines - Napatay ang 35-anyos na driver matapos barilin ng kanyang kabaro sa loob ng ambulansya sa kahabaan ng Soriano Highway, Barangay Tejero sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng tanghali. Tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Godofredo Arca ng Barangay Sahud Ulan sa bayan ng Tanza, Cavite. Samantala, tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Roque Sarboda, kasamahang driver ng biktima residente ng Brgy Daang Amaya 2 sa nasabing bayan. Ayon kay PO2 Freulen Mendeja Manic, nagmamaneho ng ambulansya ang biktima nang barilin sa ulo ng suspek na nakaupo naman sa loob na likuran ng ambulansya na may plakang SKT 742. Nabatid sa ulat ng pulisya, selos ang isa sa motibo ng suspek matapos pagselosan nito ang biktima dahil sa babae.
- Latest