Van vs trike: 2 dedo, 2 grabe

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - Dalawa-katao kabilang na ang kapatid ng vice mayor ang iniulat na namatay habang  dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos salpukin ng rumaragasang van ng punerarya ang traysikel sa highway ng Barangay Upi sa bayan ng Gamu, Isabela kamakalawa ng umaga.

Tila humabol sa nalalapit na Undas ang mga biktimang sina Reynaldo San Buenaventura ng Barangay Alinguigan 1st, Ilagan City; at Mario Lungan, kapatid ni Vice Mayor Roberto Lungan ng Bayan ng Benito Soliven.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpang-abot sa merging traffic ang mga biktimang lulan ng tricycle na minamaneho ni Filomeno Prado at ang van ng St. Peter’s Memorial Chapel na minamaneho naman ni Orlando Guimayan.

Maliban kay Prado na nasa kritikal na kalagayan na naisugod sa Isabela Provincial Hospital, isang hindi pa nakikilalang pasahero nito ang patawirin na inilipat sa Cagayan Valley Regional Medical Center sa Tuguegarao City, Cagayan.

 

Show comments