^

Probinsiya

4 sundalo bulagta sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na sundalo na miyembro ng Bayanihan team ang iniulat na napaslang habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos na tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Ramon, Gandara, Western Samar kamakalawa  ng gabi.

Pansamantalang hindi muna tinukoy ni Captain Gene Orense, spokesman ng Army’s 8th Infantry Division ang mga pangalan ng sundalo dahil kaila­ngan pang impormahan ang kani-kanilang pamilya.

Naganap ang pananambang habang pauwi na ang tropa ng Army’s 43th Infantry Battalion mula sa  pagsasagawa ng proyektong bayanihan sa komunidad.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay gumanti ng putok ang mga sundalo kung saan tumagal ang bakbakan ng may 30-minuto na nauwi sa pagkamatay ng apat na sundalo.

Pinaniniwalaan namang nalagasan din ang mga rebelde base sa mga nakitang patak ng dugo sa dinaanan ng mga ito.

Kinondena naman ni Major Gen. Gerardo Layug, commander ng 8th ID ang insidente dahil ang mga sundalo ay tumutulong sa mga mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng mga proyektong pamba­yanihan.

 “I personally extend my deepest sympathies to the families and friends of those killed. They were killed while protecting the Filipino people and in pursuit of peace and development in the area,”  ani Layug.

 

APAT

BAYANIHAN

CAPTAIN GENE ORENSE

GERARDO LAYUG

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAJOR GEN

NEW PEOPLE

WESTERN SAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with