ILAGAN CITY, Philippines - Sa kabila ng deklarasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ng total logging ban sa buong bansa; patuloy pa rin ang mga ulat sa modus operandi ng mga illegal logs sa ibat-ibang panig ng Cagayan Valley. Pinakahuli ay ang pagkakasamsam ng 20,000 board feet ng ilegal na putol ng punungkahoy na pinapaanod sa Pinacanauan River sa Barangay Tappa, San Mariano, Isabela kahapon. Bagamat napakalaking volume ng ipinupuslit na troso ay wala ni isang suspek ang nadakma ng mga operatiba pulisya, Army at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Aabot naman sa 3 trak ang maaaring paglagyan ng tone-toneladang troso kung saan nagkakahalaga ng P.5 miyon.