^

PM Sports

Dequinan, Ubas hataw sa Philippine Open

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumandera sina Sarah Dequinan at Janry Ubas sa mga gold medalists sa opening day ng ICTSI Philippine Athletics Championships na ginaganap sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac.

Pinangunahan ni Dequinan ang women’s javelin throw matapos magtala ng impresibong 45.99m.

Malayo sa ikalawang puwesto si Elizabeth Sicat na may 38.56m habang pumangatlo naman si Irene Lamoste na nagsumite ng 33.97m.

Sa kabilang banda, nanatiling matikas si Ubas na nasungkit ang ikaanim na sunod na korona sa men’s long jump event matapos magrehistro ng 7.6.

Ito ang ikasiyam na korona ni Ubas sa kabuuan sa National Open.

Nagkasya naman sa pilak si Kent Jardin na nagtala ng 7.43m habang nasiguro ni Joshua Patorara ang tansong medalya tangan ang 7.36m.

Naghari naman si Yacine Guermali sa men’s 5000m matapos magtala ng bagong rekord sa pamamagitan ng 14:15.34.

Binura ni Guemali ang dati nitong record na 14:18.83 na naitala nito noong 2024 edisyon ng torneo.

Si Guermali rin ang may hawak ng Philippine record na 13:28.40.

Pumangalawa lamang si Sonny Wagdos na may 14:45.59 habang ikatlo si Alference Braza na may 14:58.06.

Wagi rin ng ginto si Arianna Dawn Rabi sa women’s shot put kung saan naglista ito ng 10.89m.

SARAH DEQUINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with