^

PSN Palaro

Creamline magbabawas ng errors para sa pagdedepensa ng PVL All-Filipino crown

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung mayroon mang dapat ayusin ang nagde­depensang Creamline sa ka­nilang kampanya sa 2024-25 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence, ito ay ang kanilang mga errors.

Ito ang tinukoy ni team captain Alyssa Valdez na kailangan nilang limitahan para maipagpatuloy ang ma­init na ratsada sa torneo.

“We have to contain and minimize our errors ta­laga,” wika ni Valdez.

“For sure, nakita rin ‘yun ng coaches namin and ‘yun din ‘yung ia-address namin sa practice,” dagdag pa nito.

Tangan ng Cool Sma­shers ang imakuladang 4-0 record kung saan ang huli nilang naging biktima ay ang ZUS Coffee Thunderbelles, 25-22, 28-30, 26-24, 17-25, 15-13, noong Disyembre 12.

Sa nasabing panalo ng Creamline ay humataw sina Valdez at Bernadeth Pons ng tig-17 points.

Nagbigay ang Cool Smashers sa Thunderbelles ng 33 points mula sa kanilang mga unforced errors.

Ayon kay Valdez, ito ang dapat nilang resolbahan pagpasok ng taong 2025.

Matapos ang Christmas break ay magbabalik ang PVL All-Filipino Conference sa Enero 18 tampok ang tatlong laro.

Lalabanan ng Farm Fresh ang Nxled sa ala-1:30 ng hapon kasunod ang upakan ng ZUS Coffee at Choco Mucho sa alas-4 ng hapon at ang laro ng PLDT at Akari sa alas-6:30 ng gabi.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with