^

PM Sports

Warriors tinusta ng Suns

Pang-masa

PHOENIX — Umiskor si Devin Booker ng 27 points habang may 21 markers si Kevin Durant para sa 113-105 pagpapasikat ng Suns sa Golden State Warriors.

Nagdagdag si Tyus Jones ng 19 points tampok ang apat sa kabuuang 18 three-point shots ng Phoenix (11-8) at may 17 markers si Grayson Allen.

Bagsak ang Golden State (12-7) sa ikaapat na dikit na kamalasan.

Tumipa si Stephen Curry ng 23 points habang may 18 at 13 markers sina Andrew Wiggins at Draymond Green, ayon sa pagkakasunod.

Inilista ng Suns ang isang 17-point halftime lead bago nakalapit ang Warriors sa 78-85 sa pagbubukas ng fourth quarter makaraang kumamada si Curry ng 15 points.

Huling nakadikit ang Golden State sa 99-105 bago kumonekta si Durant ng isang 3-pointer para ilayo ang Phoenix sa 108-99 sa huling 1:42 minuto ng laro.

Sa Salt Lake City, humataw si Kyrie Irving ng 30 points at may 24 mar­kers si Quentin Grimes sa 106-94 panalo ng Dallas Mavericks (12-8) sa Utah Jazz (4-15).

Sa Milwaukee, humakot si Giannis Anteto­kounmpo ng triple-double na 42 points, 12 rebounds at 11 assists sa 124-114 pagsuwag ng Bucks (10-9) sa Washington Wizards (2-16).

KEVIN DURANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with