^

PM Sports

Solar Spikers sumampa sa win column

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumampa ang Capital1 Solar Energy sa win column matapos lusutan ang Nxled, 21-25, 25-21, 25-15, 25-18, sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ito ang unang panalo ng Solar Spikers matapos ang 0-3 panimula sa torneo, habang laglag ang Chameleons sa 0-4 na hindi pa rin pinaglaro si EJ Laure.

Humataw si Heather Guino-O ng 21 points mula sa 19 attacks at dalawang blocks para banderahan ang Capital1.

“Siyempre po sobrang saya sa feeling kasi po naipakita na namin kung ano po iyong pinaghihirapan namin,” ani Guino-O. “Sobrang nakaka-proud po kasi lahat lumaban at hanggang sa dulo hindi kami nawalan ng lakas ng loob.”

Nagdagdag si rookie Leila Cruz ng 17 markers sa likod ng 16 attacks at isang block para sa Capital1 at may 10 points si veteran Patty Orendain.

Nakahugot din si coach Roger Gorayeb kay Iris Tonelada ng 18 excellent sets bukod sa limang puntos.

Tanging si Chiara Permentilla ang pumalo ng double digits sa panig ng Nxled sa kanyang 23 points mula sa 20 attacks, dalawang service ace at isang block.

Kinuha ng Chameleons ang first set, 25-21, at inilista ang 20-14 bentahe sa second frame sa likod ni Permentilla.

Isang 8-0 atake ang inilunsad ng Solar Spikers para agawin ang 22-20 kalamangan patungo sa 25-21 pagtabla galing sa crosscourt attack ni Orendain.

Ang Capital1 naman ang nagposte ng 14-5 abante patungo sa 25-15 pagdaig sa Nxled sa third set hanggang kumonekta ng puntos si Cruz sa fourth frame para selyuhan ang kanilang panalo.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with