MANILA, Philippines - Wala silang two-time PBA Most Valuable Player na kagaya ni James Yap, mahusay na import sa katauhan ni Marqus Blakely at mga beteranong katulad nina Marc Pingris at PJ Simon ng nagdedepensang San Mig Coffee.
Ngunit kung mas magiging determinado ang Rain or Shine sa Game Five ay malaki ang tsansa nilang makamit ang korona ng 2014 PBA Governors’ Cup.
“There’s really just a simple formula for winning, we played a lot harder than Game Three,” sabi ni Guiao matapos ang 88-79 panalo ng Elasto Painters sa Mixers sa Game Four noong Lunes. “As long as we’re playing with energy and intensity, we have a chance.”
Nakatabla sa 2-2 sa kanilang best-of-five championship series, pipilitin ng Rain or Shine na muling talunin ang San Mig Coffee sa Game Five para angkinin ang titulo ng season-ending conference ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Puntirya ng 56-anyos na si Cone ang kanyang panglimang korona matapos magbigay ng isa sa Swift (1992 Reinforced Conference), dalawa sa Red Bull (2001 at 2002 Commissioner’s Cup) at isa sa Rain or Shine (2012 Governors’ Cup).
“It’s very difficult to maintain and sustain our energy. The season, the scheduling, the fatigue factor setting in, the distractions, it’s just really maintaining your focus,” sabi ni Guiao.
“Good thing on Wednesday is it’s just out there for you giving yourself a chance. Sa Tagalog may kasabihan tayong matira, matibay,” dagdag pa ng Congressman ng First District ng Pampanga.