MIAMI - Ikinukunsidera ni LeBron James ang kanyang pagbabalik sa Cleveland. Ngunit para sa isang gabi lamang.
Nahilingan si James na dumalo sa Cavaliers jersey retirement ceremony para sa kanyang dating kakampi at kaibigang si Zydrunas Ilgauskas na nagtatrabaho ngayon sa organisasyon.
Naging magkakampi sina James at Ilgauskas sa Cleveland at Miami.
Pabor ang iskedyul para kay James dahil magla-laro ang Miami sa San Antonio sa Huwebes at walang laro sa Biyernes bago ang kanilang team practice sa Chicago sa Sabado ng hapon.
Magkakaroon si James ng panahon para sa isang short flight patungo sa Cleveland sa seremonya para kay Ilgauskas.
“I want to be there, but we’ll see. I’m not sure just yet,†sabi ni James. “But I think it’s going to be a great day for my friend, a real dear friend of mine. And I’m excited for him.â€
Ibinuhos ni James ang una niyang pitong seasons sa Cleveland, at ang kanyang pagbisita kasama ang Heat ay inaasahan ng mga Cavs fans.
Sinabi ni James na kung dadalo siya sa seremonya ay iniisip niyang baka maagaw pa niya ang atensiyon kay Ilgauskas.
“I hope it doesn’t, if I’m able to make it,†ani James. “I hope it doesn’t. It’s not my day, it’s not about me. It’s about Z. But it wouldn’t matter to me. Obviously I’m there for a dear friend, to be able to support him, if I’m able to make it, and that’s the main thing.â€