Gerald, uumpisahan na ang sins...

Pangungunahan ni Gerald Anderson ang bagong crime thriller mystery drama ng ABS-CBN Studios na pinamagatang Sins of the Father.
Makakasama niya rito sina Jessy Mendiola, JC De Vera, Shaina Magdayao, Joko Diaz, RK Bagatsing, Seth Fedelin, Francine Diaz, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles, LA Santos, at Tirso Cruz III.
Naganap noong Martes (Marso 25) ang story conference ng bagong teleserye na sasailalim sa direksyon ni FM Reyes na nasa likod ng Ang Sa Iyo Ay Akin at Linlang at Bjoy Balagtas na isa naman sa mga direktor ng Nag-Aapoy Na Damdamin.
Ang JRB Creative Production ang magproprodyus ng programa sa ilalim ng business unit head nito na si Julie Anne R. Benitez at creative manager na si Dindo Perez.
Malapit nang mapanood ang Sins of the Father sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.
- Latest