^

PM Sports

Gusto nang tapusin ng Beermen ang E-Painters

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilisang tiket sa finals ang tangka ng reig­ning champion San Miguel Beer habang susubok makalapit sa parehong misyon ang Meralco kontra sa kanilang mga karibal sa Game 4 ng 2024 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinal series ngayon sa Mall of Asia Arena.

Hawak ang 3-0 kartada, hindi na magpapatumpik-tumpik pa ang Beermen sa main game sa alas-7:30 ng gabi upang makumpleto ang matamis na sweep kontra sa Rain or Shine.

Matapos namang maagaw ang manibela sa 2-1 bentahe, ayaw magpaawat ng Bolts kontra sa karibal na Barangay Ginebra sa alas-4:30 ng hapon para mamuro sa finals.

Subalit hindi ito ma­giging madali bagama’t llamado at nakasakay sa momentum ang dalawang koponan.

“We really have to bring the energy and we really have to step on the gas, especially du’n sa Game 4, because I’m sure Rain or Shine will come out smoking,” ani SMB coach Jorge Gallent.

Napalakas ng SMB at Meralco ang kanilang mga tsansa sa finals matapos ang pambihirang 117-107 at 87-80 tagumpay kontra sa Rain or Shine at Ginebra, ayon sa pagkakasunod, sa bagong Dasmariñas Arena sa Cavite na umapaw sa mga Caviteños.

Dikit lang ang Game 4 ng Elasto Painters at Beermen para sa pagkakataong makaisa ang Elasto Pain­ters bago maubusan ng gasolina sa dulo.

Sa kabilang banda, lumamang ng hanggang 17 puntos ang Bolts bago mapigilan ang comeback ng Gin Kings.

Ito ang planong sandalan ng RoS at Ginebra upang makabalikwas at mapahaba ang serye.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with