^

Bansa

Ex-solon ikinabahala panganib ng pagtatapon ng karbon sa Sorsogon, Zambales

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala si dating ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa malaking epekto umano sa mga komunidad ng mangingisda, marine ecosystem, at kalusugan ng publiko ng kamakailang mga sakuna ng coal spill sa Sorsogon at Zambales.

Ayon kay Tinio, hindi pa man natatapos ang kanilang relief operationa sa Bicol, sumasabay pa ang coal spill na mala­king banta sa kabuhayan ng mga mangingisda gayundin sa marine sanctuaries.

Nabatid kay Tinio na ang coal spill sa Sorsogon ay nagresulta ng fish kills at pagkamatay ng marine life, habang sa Zambales ay nagdulot ng panganib sa Masinloc-Oyon Bay Protected Seascape and Landscape, isang kritikal na marine sanctuary.

Dahil dito, pinakikilos ng grupo ang DENR, PCG, at iba pang concerned agencies na kontrolin ang spills habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Dapat ding managot ang mga kompanyang responsable sa insidente at obligahin na magbigay ng kompensasyon sa naapektuhang komunidad.

Nanawagan din ang dating solon para sa isang agarang paglipat sa renewable energy sources.

“These disasters underscore the need to phase out coal depen­dency and shift to sustainable energy alternatives. We cannot continue putting our communities and environment at risk for the sake of dirty energy,” dagdag pa ni Tinio.

vuukle comment

TEACHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with