^

PSN Showbiz

Globe, tuloy ang suporta kay Alex; bossing Vic trending, tinawag na next president si Vico

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Globe, tuloy ang suporta kay Alex; bossing Vic trending, tinawag na next president si Vico
Alex Eala.
STAR/ File

Hindi showbiz ganap ang pinagkaabalahan ng lahat kahapon kundi sports, pulitika at kampanya.

Tinutukan ng maraming Pinoy nang muling ipinagmalaki ng Filipina tennis sensation at Globe ambassador Alex Eala ang bansa sa kanyang mahusay na laro sa Miami Open, kung saan ipinakita niya ang kahanga-hangang husay at determinasyon laban sa ilan sa mga pinakamalaking pangalan sa Tennis.

Ang 19-anyos na wildcard at world no. 140 ang naghatid ng makapigil-hiningang run in the tourney, tinalo ang tatlong Grand Slam champion— world no. 25 Jelena Ostapenko, world no. 5 Madison Keys, at world No. 2 Iga Swiatek— bago yumuko sa isang hard-fought semifinal match laban sa American Jessica Pegula noong Biyernes.

Sa kabila ng maagang pangunguna at magiting na pagbabalik sa ikalawang set, tuluyang yumuko si Eala, hindi nakuha ang finals berth ngunit umani ng masigabong palakpakan mula sa karamihan kasunod ng isang kahanga-hangang pagtakbo.

Si Alex ang kauna-unahang Pinay na nakapasok bilang Women’s Tennis Association (WTA) 1000 Semifinalist at ang una sa Open Era na tumalo sa top-10 players. Inaasahang maaabot niya ang kanyang career-best ranking na 75 sa WTA kapag nailathala ang mga ranking sa Lunes, na naging unang Filipina sa kasaysayan na nag-debut sa top 100 ng WTA rankings.

“Alex has once again demonstrated the heart and fighting spirit of the Filipino. Her Miami Open journey is a testament to her relentless drive and unwavering dedication to the sport,” ayon kay Ernest Cu, Globe President and CEO. “We are incredibly proud of her achievements and will continue to support her as she inspires young athletes across the country.”

Si Alex na naging ambassador ng Globe mula noong siya ay walong taong gulang, ay patuloy na itinaas ang antas para sa Philippine tennis, na nagpapakita na ang talentong Pilipino ay maaaring sumikat sa pinakamahusay sa mundo. Ang kanyang kampanya sa Miami Open ay nagpapatibay sa kanyang katayuan bilang isang sumisikat na sa professional tennis at isang beacon ng inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon.

Birthday naman ni former president Rodrigo Duterte kahapon kaya abala ang kanyang followers sa pagbati na ang sabi ay may mga nagaganap na rally pero wala naman pero trending ang pangalan ng dating pangulo.

Abala rin ang lahat kahapon sa pag-uumpisa ng kampanya sa local level.

Of course, ngayon pa lang alam na ang malalakas na kandidato sa local level.

Pero ang isang sigurado, walang kalaban si Mayor Joy Belmonte sa Quezon City. Na hindi naman nakakagulat dahil talaga namang ginawa niya ang lahat sa kanyang nasasakupan at magpapagod ang lalaban sa kanya.

Nag-viral din kahapon ang campaign rally ni Mayor Vico Sotto dahil sa ama niyang si Bossing Vic Sotto.

Sey niya, napakaswerte ng mga taga-Pasig sa pagkakaroon ng mayor na tulad ng anak nila ni Coney Reyes.

At ipinagmamalaki niya nang tatawagin ang anak na ‘susunod na presidente ng Pilipinas.’

“Ito na po, ang susunod na presidente ng Pilipinas, Mayor Vico Sotto,” sigaw ni Vic sabay-tawa.

Iba’t iba rin ang naging reaksyon ng netizens sa nasabing viral video na ito ni Vic pero majority ay positive comments.

Well, sa kasalukuyan  ay hindi pa qualified si Vico for Presidency dahil 35 years old pa lamang siya.

Base sa Konstitusyon, 40-anyos pataas ang age requirement para sa mga kakandidatong presidente ng bansa, at 38 pa lang siya sa 2028 Presidential election.

ALEX

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with