Para suwertehin sa pagtitinda

Gumamit ng citrine, hematite, garnet, quartz, malachite, aventurine, agate. Ilagay ang mga nabanggit na stone sa green telang supot at itago sa cash box na pinaglalagyan ng napagbentahan. O, kaya ay isuot mo bilang bracelet or pendant ng kuwintas.

Magsuot ng gold or silver jewelry sa kanang kamay. Gumamit ng welcome mat na kulay blue o black sa entrance ng iyong house main door at entrance ng tindahan.

Magsuot ng jade na pulseras sa kaliwang kamay. Magdispley ng palakang may nakasubong Chinese coin sa tindahan at bahay. Hindi ito dapat nakadispley sa mataas na lugar dahil ang perang maaakit nito ay hindi aabot sa iyo. Dapat ay ipatong mo ito sa sahig, doon sa lugar na safe at hindi  matatapakan ng naglalakad.

Magtanim na sili sa magkabilang gilid ng tindahan. Kung walang lupang mapagtataniman, itanim ito sa dalawang paso. Applicable ang paggamit ng chilli plant sa mga sari-sari store at hindi sa malakihang business establishment.

Show comments