^

Para Malibang

Lumalaban sa tukso

IDAING MO KAY VANEZZA - Pilipino Star Ngayon

Dear Vanezza,

Ako’y may asawa na at tatlong anak. Sa kabila nito ay isang babae ang muling nagpatibok ng ­aking puso na nauwi sa bawal na relasyon. Napakahirap umiwas sa tukso lalo na at lagi mong kasama at araw-araw nakikita. Lalo pa’t nagpapakita ng interes sa’yo. Kahit anong pigil mo sasablay at sasablay ka. Mahal ko naman ang aking asawa at mga anak. Kaya nga nagpapakasipag ako sa trabaho para mabigyan sila ng magandang buhay. Ngunit iba pala kapag napalapit ka sa tukso. Anong gagawin ko?

Leon

 

Dear Leon,

Ang pambababae ay tawag lamang ng laman. Kung ang tao ay puwedeng magsakripisyo sa mara­ming bagay alang-alang sa minamahal na pamilya, bakit hindi mo iwaksi sa isip ang tawag ng makamundong pagnanasa? Isipin mo ang posibilidad na mawasak ang iyong pamilya kung hahayaan mong magapi ka ng tukso. Kahit “palay” na ang lumalapit sa’yo kung ayaw mo namang tukain, hindi magtatagumpay ang tukso. Isipin mo rin na ang pangangalunya ay isang malaking kasalanan sa Diyos.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANONG

DEAR LEON

DEAR VANEZZA

DIYOS

ISIPIN

KAHIT

KAYA

NAPAKAHIRAP

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with