Kapag umiinom ng antidepresants, may side effect ito na pagka-delay ng ejaculation.
Pero alam n’yo ba na kung iinom ng antidepressant ng mababang dosage lamang, ito ay makakatulong sa problema sa premature ejaculation.
Mayroon ding ibang paraan na treatment ng premature ejaculation tulad ng behavioral techniques, topical anesthetics, oral medications at counseling ayon sa mayoclinic.com.
Behavioral techniques
Ang teraphy para sa premature ejaculation ay simply lamang tulad ng pagma-masturbate, isa o dalawang oras bago makipag-sex para made-delay ang ejaculation.
The pause-squeeze technique Sa tulong ng inyong partner, subukan ang technique na ito.
Simulan ang sexual activity tulad ng nakagawian kabilang ang stimulation ng penis hanggang sa malapit nang mag-ejaculate.
Ipa-pisil sa inyong partner ang dulo ng inyong penis hanggang sa puntong magdikit ang ulo ng penis (glans) at katawan ng penis shaft ng ilang segundo hanggang sa mawala ang napipintong pag-e-ejaculate.
Pakawalan ang penis at maghintay muna ng 30 seconds bago bumalik sa foreplay.
Mapapansin na sa pagpisil ng penis, lumalambot ito pero kapag ini-stimulate na uli ito, babalik ang full erection.
Kung nararamdaman na uli na kailangang mag-release, ipaulit sa inyong partner ang squeeze process.
Kapag inulit-ulit ito, darating sa puntong makakaÂyanan nang pasukin ang ‘kuweba’ na hindi nag-e-ejaculate agad.
Kapag paulit-ulit itong gagawin, masasanay na kung paano ide-delay ang ejaculation at hindi na kakailanganin ang pause-squeeze technique.
Topical anesthetics
Minsan ay gumagamit ng anesthetic creams at sprays na may halong pampamanhid para sa premature ejaculation. Ipinapahid ito sa penis bago makipag-sex para mabawasan ang sensation para ma-delay ang ejaculation.
Bagama’t epektibo ang mga pamahid na ito, mayroon naman itong potential side effects. Ang iba ay nawawalan ng sensitivity at nababawasan ang sexual pleasure. May mga iba naman na nagkakaroon ng allergic reaction.