Ito ay huling bahagi ng paksa kung anu-anong benepisyo ang iyong makukuha sa pagkain ng itlog. Narito pa ang ilan:
Nakakatulong laban sa pamamaga – Ang choline na taglay ng itlog ay tumutulong para mabawasan ang posibilidad ng pamamaga ng iyong mga ugat sa katawan. Kapag hindi kasi naagapan, maaari kang magkaroon ng osteoporosis, alzheimers at type 2 diabetes.
Mahusay sa mga buntis – Ang itlog ay dapat na kinakain ng mga babaeng buntis dahil nakakatulong ito para sa magandang development ng utak ng bata dahil pa rin sa choline nito.
Mahusay pagkunan ng vitamin D – Maraming tao ang kulang sa bitaminang ito. Ang bitamina D ay mahalaga para mapatibay ang immune system ng katawan para lumaban sa mga malalalang sakit gaya ng cancer. Ang isang itlog ay nagtataglay ng 41 IU mula sa 600 IU na nirerekomenda ng mga eksperto na dapat na nasa iyong katawan araw-araw.
Nakakapagpapayat – Sa isang pagsisiyasat sa Louisiana State University, nadiskubre na ang mga taong kumakain ng itlog tuwing agahan kumpara sa iba pang pagkaing pang-agahan ay mas payat at masigla.
Nakakaalis ng stress – Ang selenium na taglay ng itlog ay tumutulong para bumaba ang oxidative stress sa iyong katawan.
Panlaban sa katarata – Kung kakain ng itlog, nababawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng katarata lalo na kung nagkakaedad na.
Panlaban sa tumor – Kung sa kakakain ng itlog ay nakakakuha ng selenium, ito pa rin ang lalaban para maiwasan ang tumor na siya rin nakakaapekto sa prostate.