‘Nega’ ba ang katabi mo

Negative energy ang ibinibigay ng mga sumusunod na lugar: riles ng tren, airport, police station, basurahan, sementeryo, ospital. Kung ang tindahan o opisina mo ay nasa tabi o katapat ng mga nabanggit, heto ang nararapat na gawin upang makontra ang negative energy:

Kung malapit sa riles ng tren, magdispley ng malaking earthenware (produktong yari sa putik o clay) sa labas ng entrance.

Kung malapit sa airport, magdispley sa labas ng entrance ng mabigat na sculpture o gumamit ng mabigat na paperweights (yari sa bato, bakal o crystal) sa iyong mga paperworks.

Kung malapit sa istasyon ng pulis o kulungan, gumamit ng kulay peach na may kombinasyong kulay dilaw na pintura o anumang dekorasyon sa iyong business establishment.

Kung malapit sa basurahan, magtanim ng puno o bulaklak na may matingkad na kulay at may mabangong amoy. (Itutuloy)

Show comments