Hindi ikinatutuwa ni Dennis Trillo ang balitang idinadawit ito sa hiwalayang Luis Manzano at Jennylyn Mercado.
Wala nga siyang panahon sa lovelife ngayon dahil after ng My Husband’s Lover serye at concert ay abala ito sa promosyon ng Sapi na obra maestra ni Brilliante Mendoza.
Malapit nang ipalabas ang indie movie kung saan isang news reporter ang papel na ginagampanan ni Dennis na malayo sa karakter niyang si Eric sa My Husband’s Lover.
Ipinakita sa pelikula ang mga nangyayaring patalbugan ng mga magkalabang network na kalakaran ngayon sa ating industriya. Gusto ng team nina Dennis at Meryl Soriano na Sarimanok Broadcasting na makakuha ng balita tungkol sa mass demonic possession. Pero wala pa ring makuhang balita. Sa kabilang network naman ay na-capture ni Baron Geisler ang demonic possession ng isang teacher sa isang baryo. Binili ni Meryl ang footage nito kay Baron at dahil sa pagpasok ni Meryl sa isang deal ay mas nakahihindik pa pala ang mangyayari dahil may pagbabago sa takbo ng TV career nito.
Sasaniban din kaya ng demonyo si Meryl? Ito ang aabangan sa pelikulang Sapi na palabas na sa November 6 mula sa Centerstage Productions at iri-release ng Solar Entertainment.
Kristoffer-Joyce hindi rin nagtagal
Hindi lang sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano ang hiwalay na kundi gaÂyundin sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Kung noon ay ipinaglalaban ng aktor ang relasyon nila ng aktres ngayon ay tila naguguluhan na siya.
Ayaw na rin siyang payagang magsalita tungkol sa kanilang relasyon. Siguro dahil gumaganda na ang career ni Kristoffer at may iniingatan silang tambalan sa Kahit Nasaan Ka Man.
Sa ngayon nalulungkot ang aktor sa paghihiwalay nila ng nobya. Hindi kaya may mamuong relasyon sa kanila ni Julie Ann San Jose?