^

Pang Movies

Direk Joyce hindI pinayagan ng MMFF na tuhugin ang dalawang pelikula!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pilipino Star Ngayon

Ipinahayag na ni Chairman Francis To­lentino ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Over-All Chairman ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang walong (8) official entries para sa darating na taunang festival simula sa December 25, 2013.

Pangatlong taon na ito ni Chairman Francis sa MMFF pero excited pa rin siyang mag-announce ng mga official entries kaya naman nag-sorry siya nang mahigit na dalawang oras niyang pinaghintay ang mga entertainment press and TV crews. Gusto niya kasing siya personally ang mag-announce nito, kaya lamang, nagkaroon siya ng meeting sa Malacañang tungkol sa nangyayaring baha nga­yon. Nakaalis na siya sa Malacañang at papunta na siya sa venue, sa Dulcinea Restaurant sa T. Morato, nang pinabalik siya muli para sa isa pa raw important topic na kanilang pinag-usapan.

Anyways, ginanap ang deliberation ng Selection Committee noong umaga bago ginanap ang announcement.  Out of the eight official entries, da­lawa ang straight comedy, an action/drama,  romance/comedy, action/fantasy/comedy,  comedy/drama, isa lamang ang horror at religious/historical/drama/adventure.

Sakaling may mag-back-out tulad noong nakaraang taon, naka-stand by ang 9th and 10th entries na Kulay Abo ang Langit ng Hubo Productions, na nasa cast sina Carla Abellana, Diether Ocampo, Cherie Gil, at Matteo Guidicelli at ang Everybody Loves ng Gung Ho Films Manila, na nasa cast sina Jake Cuenca, Jericho Rosales, Megan Young at Maja Salvador.

Dalawang movies ang ididirek ni Bb. Joyce Bernal pero ayon sa Executive Committee, dapat siyang pumili ng isa lamang movie na ididirek.

Alden nakipag-bonding sa ama kahit tapos na ang father’s day

Masuwerte naman si Alden Richards dahil dalawa rin ang gagawin niya for the festival. He will play the young Robin Padilla sa 10,000 Hours at kasama rin siya ni Sen. Bong Revilla sa My Super Kap. Una silang nagkasama ni Sen. Bong sa epic serye nilang Indio. Kaya masayang-masaya si Alden nang makausap namin sa isang bowling session nila ng daddy niya sa SM North EDSA Annex. Busy daw kasi siya noong Sunday na Father’s Day kaya hindi sila nakapag-bonding mag-ama. Since wala siyang taping noong Tuesday ng Mundo Mo’y Akin, nagawa nilang mag-organize ng isang bowling session dahil pareho pala nilang paborito ang sport na iyon. Nakita nga namin kung gaano sila kahusay maglaro.

Nang batiin namin si Alden tungkol sa dalawa niyang movies na gagawin,  he feels very blessed and thankful. Excited na siyang magsimulang mag-shooting. 

Biniro namin siya na sayang at hindi siya kasama sa Amsterdam dahil magsu-shooting doon si Robin.

 

 

ALDEN RICHARDS

BONG REVILLA

CARLA ABELLANA

CHAIRMAN FRANCIS

CHAIRMAN FRANCIS TO

CHERIE GIL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with