Practice lang
Naisulat na natin na may offer ang Korean Basketball League kay TNT hotshot na si Calvin Oftana.
Ngayon, may figures na: $20,000 or tumataginting na P1.2 million per month.
Pero nagsabi si Oftana na wala siyang balak umalis at kailangan niya respetuhin ang TNT contract niya na matatapos sa December 2027.
Professionalism at loyalty.
Pero recently, nag-post si Oftana sa social media ng pasasalamat sa TNT management.
“Grateful for every moment, every lesson, and every battle on the court,” ang sabi ni Oftana, na ang besa eh sumasahod ng P800,000 a month sa TNT kasama lahat ng bonuses.
Pinasalamatan niya ang TNT dahil naniwala ito sa kanya “from the start.”
Kung babasahin mo, parang farewell message.
Kaya agad nagsalita ang handlers ni Oftana. Dehins daw farewell message kundi “thank you” lang at “appreciation.”
‘Yun daw ang totoo.
Well, dehins naman ako magtataka if after mag-expire ang contract niya sa TNT eh lumipat na si Oftana sa KBL.
Kaya ngayon pa lang, nag-issue na siya ng ganung message.
Warm up.
- Latest


















