Constantino kampeon sa Asian Heyball Championships
MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-angat ng billiards sa Pilipinas dahil isang Pinay cue master na naman ang gumagawa ng ingay sa international scene.
Nasungkit ni Rhaki Roj Constantino ang kampeonato sa 2026 Asian Heyball Championships na ginanap sa Selangor, Malaysia.
Winalis ni Constantino ang lahat ng asignatura nito upang mapasakamay ang korona na walang bahid ng kabiguan tangan ang malinis na 7-0 rekord.
Kabilang na rito ang 6-3 panalo kay Amee Kamani ng India sa championship round.
Napasakamay ni Constantino ang $12,000 premyo o katumbas ng halos P700,000.
Umabante sa finals si Constantino matapos patumbahin si Angeline Ticoalu ng Indonesia sa semifinals sa pamamagitan ng 6-3 desisyon.
Tinalo rin ni Constatino sa Round of 16 si Sergelenbaatar Byambasuren ng Mongolia at Anupama Ramachandran ng India sa quarterfinals.
Sa eliminasyon, nanaig si Constatino kina Lee Sook Kwan ng Malaysia (6-5) sa first round, Kamani (6-3) sa second round at lisya Naifa Fadillah Nasution ng Indonesia sa third round (6-2) para makapasok sa knockout stage.
- Latest

















