Paldo!
Soplak na naman si Calvin Abueva sa PBA.
Dahil sa verbal rants niya matapos matalo ang Converge sa Ginebra last week sa Commissioner’s Cup, hinatulan ng P20,000 fine si Abueva.
Fourth straight loss ng Converge (1-4) na bago magsimula ang tournnament eh sinabing malayo ang mararating. Solid ang lineup — on paper.
At after ng talo sa Ginebra, naglabas ng hinaing si Abueva sa officiating.
“Paldo, paldo ang referees!” ang sigaw ni Abueva habang palabas ng court. Kuhang kuha sa camera.
Humirit pa ulit ang “The Beast” nung palapit na sa dugout. “Paldo, paldo, paldo ang apat. Apat sila paldo!”
May due process naman dahil pinatawag ni Commissioner Willie Marcial si Abueva para mag-explain at mag-sorry. Pero walang nabago sa pananaw ng PBA.
“Detrimental to the league” ang sabi ng PBA meaning nakakasama sa image ng liga ang statements na ganun.
Kaya fined si Abueva pero NO suspension.
Another lesson learned para kay Abueva na minsan eh nahatulan na ng indefinite suspension sa PBA.
Besides, sayang naman ang P20,000 para lang ilabas mo ang hinaing mo sa officiating.
Unless paldong paldo ka.
- Latest



















