^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas sunod na sasagupa sa Australia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas Pilipinas sunod na sasagupa sa Australia

MANILA, Philippines —  Move on na kaagad ang Gilas Pilipinas upang maisentro na ang atensiyon nito sa isa pang matin­ding laban na haharapin nito kontra sa Australia sa second window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Lumasap ang Gilas Pi­­lipinas ng dikit na 66-69 kabiguan sa kamay ng New Zealand noong Hu­we­­bes ng gabi sa MOA Arena dahilan upang ma­du­ngisan ang malinis na re­kord nito

Bagsak sa No. 2 spot ang Gilas Pilipinas na may 2-1 rekord, habang namamayagpag ang Australia na may matikas na 3-0 ba­raha.

Tinalo ng Australia ang Guam sa hiwalay na laban upang awtomatikong masungkit ang tiket sa second round ng qualifiers.

Sa kabila ng siguradong tiket sa second round, inaasahang babanat pa rin ang Australia sa oras na ma­kaharap nito ang Gilas Pilipinas upang makuha ang ikaapat na sunod na panalo sa group stage.

Kaya naman kailangan nang kalimutan ng Gilas Pilipinas ang kabiguan nito sa New Zealand upang ma­tutukan ang laban nito kontra Australia.

Isa na rito ay kung pa­a­no masosolusyunan ang ginawang solidong de­pen­sa ng Tall Blacks kay naturalized player Justin Brownlee na nalimitahan lamang sa apat na puntos.

Malayo ito sa average points na 22.3 points ni Brownlee.

Ito rin ang parehong es­tratehiya na gagawin ng Australia.

Maliban kay Brownlee, babantayan din ng Australia si Dwight Ramos na isa rin sa mga inaasahan ng Gilas Pilipinas.

Si Ramos ang top sco­rer ng Gilas kontra sa New Zealand matapos magtala ng 16 points, walong rebounds at dalawang steals.

Umaasa si Ramos na maraming natutunan ang Gilas Pilipinas kontra sa New Zealand.

“We’re gonna try and learn from this game. It was a close game; obviously, there’s a lot to learn because every possession counts. We’re gonna check over the mistakes and learn from this,” ani Ramos.

Pinuri rin ni Ramos ang magandang game plan ng coaching staff dahilan upang maging dikit ang laban.

“The coaches had a great game plan,” wika ni Ramos.

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with