Nitura inilipad ang Adamson sa panalo

MANILA, Philippines — Tinuldukan ng Adam­son University ang kanilang four-game losing skid ma­tapos ilipad ang 25-20, 25-11, 25-21 panalo kontra sa University of the East sa second round ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Umarangkada sa opensa si super rookie Shaina Marie Nitura nang irehistro ang 18 points para sa Lady Falcons na napaganda ang karta sa 3-5.

Ayon kay Nitura, natu­to na sila sa mga laro sa first round kung saan ay nanalo sila sa mga sets pero hindi nila ito matapos hanggang sa huli.

“We really learned a lot sa mga nangyari sa first round kasi crucial ‘yung games namin. Nananalo ka­mi sa sets, pero hindi bi­nibigay sa amin ‘yung pa­nalo,”’  wika ni Nitura.

Nakatuwang ni Nitura sina Mayang Nuique at Bar­bie Jamili para domina­hin ang Lady Warriors nga­yong season na tinalo din nila sa first round 25-20, 25-15, 25-12, noong Peb­rero 26.

Tumikada si Nuique ng 11 points, habang siyam ang kinana ni Jamili at nag-ambag si Jen Kylene Villegas ng walong puntos.

Samantala, patuloy na pinuputakte ng kamalasan ang Lady Warriors dahil bokya pa rin sila sa walong salang.

Pumuntos para sa UE si Kc Cepada na may 10 markers.

Show comments