Llover target ang OPBF title

Puntirya ni Llover ang Oriental and Pacific Bo­xing Federation (OPBF) ban­tam­weight crown kontra kay Kunihara.
Contributed Photo

MANILA, Philippines — Dadayo si Filipino bantamweight prospect Kenneth Llover sa Japan para labanan si local bet Keita Kurihara sa Marso 24 sa Korakuen Hall sa Tokyo.

Puntirya ni Llover ang Oriental and Pacific Bo­xing Federation (OPBF) ban­tam­weight crown kontra kay Kunihara.

Itataya ng 22-anyos na si LLover ang kanyang malinis na 13-0 win-loss recod na may walong knockouts.

Isa namang knockout artist si Kurihara kung saan 16 ang pinatulog niya sa kanyang 19 panalo.

Ma walo rin siyang kabiguan at isang draw.

Si LLover ay ginagaba­yan ni Filipino boxing le­gend Gerry Peñalosa.

Sakaling manalo si Llo­ver kay Kunihara para sa OPBF title ay lalakas ang kanyang tsansa para sa isang world title shot.

Kumpiyansa ang Ti­tle­­Holder, isang boxing streaming platform na nagpo-promote kay LLover, na mananalo ang Pinoy.

“Sending Kenneth Llo­ver to Japan to face a battle-tested warrior like Kurihara is a challenge, but with the right preparation, we believe he has what it takes to win,” ani Titleholder CEO Elmer Anuran.

Show comments