Chloe suportado si Caloy

MANILA, Philippines — Handa si Chloe San Jose na gawin ang lahat upang suportahan ang kasintahang si Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel Yulo sa anumang tatahakin nito.
Ito ang inihayag ni Chloe kung saan iginiit nito ang pagmamahal nito sa Pinoy gymnast.
“Si Caloy yung pinaka-closest sa akin kaya I’ll do anything for him po,” ani Chloe.
Dumalo si Chloe sa PSA Annual Awards Night upang samahan si Yulo sa pagtanggap nito ng Athlete of the Year award.
“It’s still different experience every single time. Iba iba yung people, iba iba yung mga nakakahalubilo mo but yung support and love for Caloy everytime na nagrereceive siya ng award is still the same,” ani Chloe.
Aminado si Chloe na hindi pa ito sanay sa atensiyon na nakukuha nila lalo pa’t sikat na sikat na si Yulo hindi lamang sa Pilipinas maging sa international stage.
“It’s overwhelming and I want to take it one at a time. Hindi ako si Caloy pero nafi-feel ko all the pressure and all everyone’s eyes sa kanya because I’m always nasa tabi niya to support,” ani Chloe.
Nagpapasalamat ito sa lahat ng suporta at pagkilalang ibinibigay kay Caloy ng iba’t ibang organisasyon.
- Latest