Back-to-back wins sa FiberXers

Nakalusot si Schonny Winston ng Converge kay Jayjay Alejandro ng Phoenix.
PBA Image

MANILA, Philippines — Bumalikwas ang Converge mula sa malam­yang panimula para talunin ang Phoenix, 116-105, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

ito ang ikalawang sunod na arangkada ng Fiber­Xers para sa kanilang 4-2 kartada.

Nadiskaril ang hangad ng Fuel Masters na back-to-back wins at nahulog sa 1-5 baraha.

“They came out really pre­pared. They caught us un­aware, surprised,” ani Converge coach Franco Atienza sa Phoenix.

“But we give credit to our guys. We just stuck on, we didn’t panic, we re­tunred on how we run our system, how we run our offense,” dagdag nito.

Tumipa si Jordan Hea­ding ng 21 points, 6 assists at 5 steals, habang may 21 markers din si import Cheick Diallo kasunod ang tig-16 points nina Schonny Winston at Bryan Santos.

Nag-ambag si Alex Stockton ng 14 markers.

Binuksan ng Fuel Mas­ters ang laro sa 20-2 abante pa­tungo sa 30-15 ka­lama­ngan sa first period kung saan umiskor si import Do­novan Smith ng 18 points.

Nakalapit ang Fiber­Xers sa halftime, 48-54, at nakatabla sa 56-56 sa likod nina Stockton, Diallo at Ke­vin Racal sa 8:55 minuto ng third quarter.

Tuluyan nang naagaw ng Converge ang bentahe sa 74-69 sa 4:03 minuto ng nasabing yugto matapos ang three-point play ni Stockton at fastbreak layup ni Heading.

 Nakabangon ang Fuel Masters mula sa 80-87 third-quarter deficit para ma­­kadikit sa 94-95 sa 6:08 minuto ng fourth quarter.

Ang dalawang free throws ni Diallo kasunod ang kanyang jumper ang mu­­ling naglayo sa Converge sa 110-99 sa huling 53.9 segundo.

Nagsalpak si Stockton ng dalawang foul shots ma­­tapos ang turnover ni Phoenix forward Jason Per­kins sa nalalabing 39.6 se­­gundo.

Show comments