^

PSN Palaro

17 tres ng Celtics gumiba sa Bucks

Pilipino Star Ngayon

BOSTON — Kumo­lekta si Jayson Tatum ng 34 points at 10 rebounds para banderahan ang nagdedepensang Celtics sa 111-105 paggupo sa Milwaukee Bucks.

Diniskaril ng Boston (19-4) ang season debut ni Khris Middleton para sa Milwaukee (11-11).

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 25 points para sa Celtics na nagsalpak ng 17 three-point shots para sa kanilang ika-10 panalo sa huling 11 laro.

Binanderahan ni Damian Lillard ang Bucks sa kanyang 31 points habang humakot si Giannis Antetokounmpo ng 30 points at 11 rebounds para sa kanyang pang-30 kaarawan.

Sa Atlanta, isinalpak ni Trae Young ang isang tres sa huling 7.4 segundo sa overtime sa 134-132 pagtakas ng Hawks (13-11) sa Los Angeles Lakers (12-11).

Sa Philadelphia, buma­nat si Paul George ng 21 points sa 102-94 pagdaig ng 76ers (6-15) sa Orlando Magic (16-9).

Sa San Antonio, umiskor si DeMar DeRozan ng 23 points sa 140-113 paggiba ng Sacramento Kings (11-13).

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with