^

PSN Palaro

Meralco, Terrafirma may bagong imports

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa magpaparada ng mga bagong imports ang Meralco at Terrafirma para palakasin ang kampanya sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Isasalang ng Bolts si DJ Kennedy kontra kay Brandon Edwards ng Dyip ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang banatan ng TNT Tropang Giga at guest team Eastern Hong Kong sa alas-7:30 ng gabi sa Ni­noy Aquino Stadium sa Ma­late, Manila.

Solo ng NorthPort ang li­derato hawak ang 3-0 record kasunod ang Meralco (2-0), NLEX (2-1), Converge (2-1), Eastern (2-1), San Miguel (1-0), Rain or Shine (1-1), Magnolia (1-2), Blackwater (0-2), Ter­rafirma (0-3), Barangay Ginebra (0-0) at TNT (0-0).

Nagmula ang Bolts sa 121-111 panalo sa Elasto Painters kung saan nagkaroon si import Akil Mitchell ng broken nose sa huling 11 segundo at inilagay sa injury/reserve list.

“Against Terrafirma we can’t let our guard down. Ka­i­langan i-double pa na­min ang effort,” sabi ni coach Luigi Trillo sa Dyip.

“Sayang naman iyong pinaghirapan naming 2-0 tapos pagdating sa Terra­firma baka talunin pa kami,” dagdag ni Trillo.

Si Edwards naman ang dapat reinforcement ng Terrafirma sa nakaraang Go­vernors Cup kundi lamang nagkaroon ng pre-season injury.

“From what we heard, 6-6 lang ito pero based sa reports mas maayos daw ito. May tira sa labas pero may galaw rin sa loob,” ani Trillo kay Edwards.

Samantala, sisimulan ng Tropang Giga ang mis­yong makamit ang back-to-back championship sa pa­kikipagkita sa Eastern na nakalasap ng 81-99 kabi­gu­an sa Elasto Painters.

Muling ipaparada ng TNT si two-time Best Import Rondae Hollis-Jefferson kasama sina Jayson Castro, Roger Pogoy, Calvin Of­tana at Poy Erram.

Ang PLDT franchise ang naghari sa nakaraang PBA Governors’ Cup kasama si Hollis-Jefferson.

Itatapat ng Hong Kong team si import Cameron Clark, naglaro sa NLEX, ka­­sama sina Glenn Yang, Ying Lung Cheung at Sheik Muhammad Sulaiman.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with