Dagdag excitement. Kumbaga sa tsibugan, may sili sa patis.
‘Yan ang nangyari sa fourth quarter ng Meralco vs Rain or Shine last Sunday sa Antipolo.
Matapos ang isang foul, nagkagirian si Beau Belga ng ROS at team consultant Nenad Vucinic ng Meralco.
Nagduruan sa harap ng Meralco bench at bago sila naawat, pumasok naman sa eksena si ROS coach Yeng Guiao.
Halos tumawid ng guhit si coach Yeng at sila naman ng Serbian coach ang nagkasagutan. Mabuti at pumagitna agad ang referees.
Dahil sa mga video replays, parang pumalag na din ang foreign coach. Technical foul silang tatlo.
Nanalo nga pala ang Meralco, 121-111. And natural, may traditional handshake sa centercourt. Lumapit si coach Yeng at kinamayan si Luigi Trillo.
Nakaumang kumamay si Nenad pero tinalikuran siya ni Yeng. Instead, isang assistant coach ng ROS ang kinamayan ng dayuhan.
Dedma ang inabot ni Nenad.
After the game, nagpa-interview sila Belga at coach Yeng. Pero imbes na palakihin pa ang issue, malumanay na sila.
“Wala naman ‘yun. Sidelight lang,” sabi ni coach Yeng.
Aabangan ko pa din ang next game nila.