Magic itinakas ni Wagner sa Lakers

Franz Wagner of the Orlando Magic celebrates a 3-point shot against the Los Angeles Lakers in the second half at Crypto.com Arena on November 21, 2024 in Los Angeles, California.
Ronald Martinez / Getty Images / AFP

LOS ANGELES, Philippines — Isinalpak ni Franz Wagner ang isang go-ahead three-point shot sa huling 2.5 segundo para sa 119-118 paglusot ng Orlando Magic kontra sa Lakers.

Tinapos ng Orlando (10-7) ang six-game winning streak ng Los Angeles (10-5).

Mintis ang dalawang free throws ni Anthony Davis sa huling 19 segundo para sa Lakers at ang kanyang 18-foot jumper sa pagtunog ng final buzzer.

Iniskor ni Wagner ang 15 sa kanyang 37 points sa fourth quarter bukod sa 11 assists para sa pang-pitong panalo ng Magic sa huling walong laro.

Tumapos si Davis na may 39 points sa panig ng Los Angeles na nakahugot ng 31 markers kay LeBron James.

Sa San Antonio, kumo­lekta si forward Harrison Barnes ng 25 points at 10 rebounds habang may 18 markers si rookie Stephon Castle para gabayan ang Spurs (8-8) sa 126-118 panalo sa Utah Jazz (3-12).

Sa Toronto, bumira si RJ Barrett ng 31 points at may 17 markers si Scottie Barnes sa 110-105 pagdaig ng Raptors (4-12) sa Minnesota Timberwolves (8-7).

Sa Charlotte, kumamada si Brandon Miller ng 38 points sa 123-121 overtime win ng Hornets (6-9) sa Detroit Pistons (7-10).

Show comments