Ayon sa reports, tumabo si Mike Tyson ng $20 million sa eight-round exhibition fight against Jake Paul sa Las Vegas last week.
Magandang retirement pay na ‘yan para sa 58-year-old na Tyson sa boxing.
Tinao ang laban sa Texas. Mahigit 70,000 ang nasa higanteng venue. At milyun-milyon ang nanood ng fight live sa Netflix.
Isa na ako dun. In fact, kumampi ako kay Tyson, na sa ilang beses ay nakahalubilo natin habang kumokober ng Manny Pacquiao fights.
Naalala ko ‘nung 2005 ‘nung naispatan namin si Tyson sa lobby ng MGM Grand para sa laban ni Pacquiao at Erik Morales. Hinabol ko si Tyson para ma-interview. Inabutan ko naman at nakausap ko.
Sa sunod na meeting, nagpa-picture pa kaming mga Pinoy reporters kasama si Tyson at Freddie Roach.
Kaya may konting connection at dahil dito, kay Tyson ako.
Kaso, lumabas ang tunay na edad ni Tyson kontra sa 27-year-old na si Paul. Bagama’t sumubok, wa epek.
Talagang tanders na.
But at least, dehins tumakbo. Nanalo si Paul ng unanimous decision.
Lumaban pa kaya ulit si Tyson?
Ask natin si Pacquiao. Katuwaan lang.