Mapua may misyon sa NCAA Season 100 Final Four

Inangkin ng Cardinals ang No. 1 spot sa NCAA Season 100 Final Four at may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage sa pagsagupa sa No. 4 Lyceum Pirates.

MANILA, Philippines — Ang masaklap na pagkatalo sa San Beda University sa NCAA Season 99 men’s basketball championship series ang ginagamit na motivation ngayon ng Mapua University.

Inangkin ng Cardinals ang No. 1 spot sa NCAA Season 100 Final Four at may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage sa pagsagupa sa No. 4 Lyceum Pirates.

“Sabi ko nga na ‘yun ‘yung maganda dito kasi isang taon na ‘yung nasaktan kami pero parang part na rin ‘yung mga bago namin,” sabi ni Mapua coach Randy Alcantara.

Sa nasabing lineup ay lima lamang ang natira sa tropa ni Alcantara kabilang sina reigning MVP Clint Escamis at Cyrus Cuenco.

Ngunit malaki rin ang kontribusyon sa koponan nina forward Chris Hubilla, shooter Lawrence Mangubat at big man Yam Concepcion.

Tinapos ng Cardinals ang double-round eliminations na may 15-3 record tampok ang nine-game winning streak para walisin ang second round kasunod ang No. 2 St. Benilde Bla­zers (14-4), No. 3 Red Lions (10-8) at No. 4 Pirates (10-8).

Show comments