Adamson maghahabol sa semis
MANILA, Philippines — Nais ng Adamson University na pahabain ang kanilang winning streak sa tatlo sa pagharap sa University of Sto. Tomas sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City.
Kakapitan ng Soaring Falcons si AJ Fransman para sikwatin ang panalo sa Growling Tigers sa kanilang banatan ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng University of the Philippines at Far Eastern University sa alas-2 ng hapon.
Tangan ang 5-7 karta, sasampa sa magic four ang Adamson kapag nasikwat nila ang panalo sa UST na kasalo ang University of the East sa No. 3 hawak ang 6-7 marka.
“We all know and we admit that they are all more talented than us,” wika ni Adamson coach Nash Racela. “The only way to counter that really is playing good defense.”
Kinaldag ng Soaring Falcons ang Red Warriors noong Oktubre 30 at isinunod ang Bulldogs noong Nobyembre 10.
Sa first round, pinayuko ng Adamson ang UST, 69-56.
Samantala, solo sa tuktok ng team standings ang nagdedepensang La Salle (12-2).
- Latest